Bituin

Gloc 9 · Matrikula [2009]

Tulog na anak at bukas

ay may umagang darating,

minamasdan kita habang tulog

na parang isang bituin.

Kahit pa iniwan tayo ng iyong ina,

dahil ako'y mahirap

kaya't sumama sa iba.



Ngayon ika'y musmos pa lamang

tatlong taong gulang.

Lahat ay gagawin, haharapin,

mapag-aral ka lang.

Upang maabot mo,

buhay na pinapangarap ko;

at iyong malisan

hirap na kinamulatan ko



Lumipas ang ilang taon,

ako ay umalis,

at sa malayong pook

ako ay nag-tiis.

Larawan mo ang

laging hawak hawak ko.

Ano mang dusa, ito ay kakayanin ko.



Ako ay nagbalik

sa araw ng 'yong kaarawan.

Malayo pa lamang nakita ko na

ako'y kinabahan, bakit maraming ilaw

sa loob ng aming tahanan? Ako'y lumuluha

mukha mo a'y pinagmamasdan.



Paalam na aking anak,

at sa gabing darating

ako ay titingala,

at hahanapin ka sa mga bituin.