Pangarap Ko Sa Buhay

Parokya Ni Edgar · Khangkhungkherrnitz [1996]

Okey talaga ang channel seven

Lalo na yung afternoon show na "That's Entertainment"

Pangarap ko mula nu'ng bata, lumabas sa telebisyon

Gusto kong makasali sa... Tuesday edition



Chorus:

Matupad sana ang pangarap ko

Gagawin ko ang lahat upang makamtan ito.

Ambisyon ng isang simpleng tao

Sana lahat ito ay magkatotoo



Kapag ako'y makapasok, siguradong malalaos

Ang pagkagwapo ni Mr. Chucky Dreyfuss

Nais ko ring makilala ang pinaka-dream girl ko

Crush na Crush ko kasi si Caselyn Fransisco



Chorus:

Matupad sana ang pangarap ko

Gagawin ko ang lahat upang makamtan ito.

Ambisyon ng isang simpleng tao

Sana lahat ito ay magkatotoo



Isang araw ako ay nag audition

Ginaya ko ang sayaw nang "Universal Motion"

Lahat nang pinagawa sa aking ay kinayanan ko

Sana ay pasado ako kay German Moreno



Chorus:

Matupad sana ang pangarap ko

Gagawin ko ang lahat upang makamtan ito.

Ambisyon ng isang simpleng tao

Sana lahat ito ay magkatotoo

Ohh..Oh..



Coda:

Ano'ng nangyari?.... di ako natanggap