Pangarap Ko'Y Ikaw

Regine Velasquez · Covers, Vol. 1 [2004]

Mula noon hanggang ngayon,

may nagmamahal sa'yo

Sabihin mo at gagawin anumang naisin mo

bat 'di mo mapansin ang aking damdamin

Sa panaginip na lang ba makakapiling



CHORUS

Pangarap ko'y Ikaw,

Waring bituin laging tinatanaw

Pangarap ko'y Ikaw,

Pag-ibig mo'y kailan makakamtan

Hindi magbabago, maghihintay sa'yo

Pagkat ang puso ko'y may nag-iisang ikaw



Sakaling dumating,

Ang panahon na ako'y ibigin mo

Iingatan ko ang puso mo

'Yan ang pangako ko

Dinggin mo lang ang aking hiling

Hanggang wakas ika'y mamahalin



Pangarap ko'y Ikaw,

Waring bituin laging tinatanaw

Pangarap ko'y Ikaw,

Pag-ibig mo'y kailan makakamtan

Hindi magbabago, maghihintay sa'yo

Pagkat ang puso ko'y alay sayo

sa puso ko may nag-iisang ikaw...



REPEAT CHORUS