Ngayong Wala Ka Na

Regine Velasquez · Other Songs - Regine Velasquez

Nagtataka, nalilito and isip sa paglisan mo

Naghahanap, nagtatanong ano nga ba ang dahilan

Nagkulang ba'ng pag-ibig ko sa 'yo

Mga alay ba'y di sapat

Sabihin mo

Matitiis ko nga kaya

Landas na susunda'y tama

Ang damdamin kaya'y handa ngayong ako'y nag-iisa

REFRAIN:

Paano nga ngayong wala ka na

Buhay kaya'y mayroon pang halaga

Sabihin mo lang ang gagawin



Maibalik ka lang sa akin

Bawa't sandali ay nangangamba

Pa'no ko haharapin ang aking bukas

May takot, may lungkot sa 'king puso

Ngayong wala ka na.

INSTRUMENTAL

(Repeat Refrain except last line)

Ngayon, ngayon

Paano ngayong wala ka na