Sino Ako

Regine Velasquez · Other Songs - Regine Velasquez

Sino itong nasa salamin

Kaharap ko ngunit 'di tumitingin

S'ya ba'y nalulumbay at napapagod pa

Sa pakikipaglaban at pagtitiis



S'ya ba'y ako o ako ay sya

Sadyang hindi ko makilala

Nasa'n na ba ako sa yugtong ito

Ako'y humihiling ng awa at pagmamahal



'Di ko ninais na ako'y magka-ganito

Ngunit kailangan kong hanapin ang tunay na ako



Sino ako sa puso mo

Sino ako sa buhay mo

Hanggang kailan maghihintay

Hanggang kailan mangangarap

Na magpakailanman ay kasama ka



'Di ko ninais na ako'y magka-ganito

Ngunit kailangan kong hanapin ang tunay na ako



Sino ako sa puso mo

Sino ako sa buhay mo

Hanggang kailan maghihintay

Hanggang kailan mangangarap

Na magpakailanman ay kasama ka



Sino ako?