Pakiusap

Acel Bisa · Other Songs - Acel Bisa

Bukas ay may bagong araw

Na sisikat na bahagya ang ningning

Kahit ang ulap nagpapakulimlim

Pilit sumisilip ang gintong liwanag

Naghihintay, nagaabang sa likod ng tabing



Pakiusap sa'yo kung susulyap pa man

Ng kahit minsan

Sana'y may ngiting para sa akin

Pakiusap sa'yo kung lilingon ka man

May awit ng pag-ibig

Na hatid ang hangin



Tulad ng ngiti mong matipid sumilay

Pilit sumisilip paminsan minsan

Hindi man malimit, hindi man palagi

Pagka't ang ngiti mong sumilay sa labi

Tulad ng ngiti ng araw

Sa likod ng ulap



Pakiusap sa'yo kung susulyap pa man

Ng kahit minsan

Sana'y may ngiting para sa akin

Pakiusap sa'yo kung lilingon ka man

May awit ng pag-ibig

Na hatid ang hangin



Kahit ang ulap nagpapakulimlim

Pilit sumisilip ang gintong liwanag

Naghihintay, nagaabang sa likod ng tabing



Pakiusap sa'yo kung susulyap pa man

Ng kahit minsan

Sana'y may ngiting para sa akin

Pakiusap sa'yo kung lilingon ka man

May awit ng pag-ibig

Na hatid ang hangin