Habang Panahon

Acel Bisa · Other Songs - Acel Bisa

Naririnig mo pa ba ako?

O tinakpan ka na ng hilig ng mundo

At sakit na iyong nadarama

Binalot ka ng luha't ayaw humingi ng awa



Tingnan mo ang paligid mo

Ito'y salamin ng pag-ibig ko

Lulubog ang araw at sisikat din

Di ito magbabago

Tulad ng pag-ibig ko



Awitin natin habang panahon

Pagmamahal na binuhos

Huwag sanang ibaon

Pakinggan mo aking bulong



Nadarama mo pa ba ako?

Oh, bakit ba parang kay layo mo?

Buhay kong inalay sana'y tanggapin mo

Upang kinabukasang sayo'y makamit mo



Awitin natin habang panahon

Pagmamahal na binuhos

Huwag sanang ibaon

Pakinggan mo kanyang bulong



Ano pa ba ang dapat kong gawin

Upang maniwala ka sa akin?

Kailan ko makakamit ang iyong pansin...

At ako'y iyong mahalin?



Awitin natin habang panahon

Pagmamahal na binuhos

Huwag sanang ibaon

Pakinggan mo aking bulong