Kausap

Gary Granada · Other Songs - Gary Granada

Paroo't parito ang mga tao

Nakakalito, nakakahilo

Ang hinahanap ko ay kausap

Sa abalang mundo



May mayamang walang kaalam-alam

May mayabang, walang kalaman-laman

Ang hinahanap ko'y kakwentuhang

Kakwentuhan ako



Kwentuhan mo ako ng buhay

Sa nangungusap mong mga mata

Nang madarama ko ng tunay

Ang tunay mong nadarama



May mababaw na laging maiingay

May malalim, walang kabuhaybuhay

Ang hinahanap ko ay kausap sa abalang mundo

Ang hinahanap ko ay kausap ng puso sa puso