\"Lyrics
SEARCH HERE:
BROWSE 409412 LYRICS BY ARTIST/BAND NAME:
#A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z
SITE MENU
Last Updates
Request Lyrics
Submit / Correct
Popularity Charts
VISITORS
Login / Register
Your Thoughts
My Playlists
[ More Gloc 9 lyrics ]
add to playlist     see a mistake?    comment

Artist/Band: Gloc 9
Lyrics for Song: Pison Feat. Chito Miranda
Lyrics for Album: MKNM: Mga Kwento Ng Makata [2012]



[Gloc 9]



Malakas! Bagong gawa ni Chito at ni Gloc

Malakas! Bagong gawa ni Chito at ni Gloc



[Chorus: Chito Miranda]



Kahit ano mang mangyari, aking aabutin

Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin

Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin

Kaya't wag kang haharang sa daraanan ng pison



[Gloc 9]



Matagal-tagal na rin akong hindi gumamit na ganitong pamamaraan

Sa pagbigkas ng mga salitang nagbabaga

Samantala para bang andami ang naguunahan

Sino ba talaga ang pinakamabilis?

Hindi naman mahalaga

Kasi ang tunay na tanong ay kung gano ka kagutom

Mahawakan ang pangarap

Mayakap malawak ang balak itarak ang itak

Puso kong dumadagundong

Kahit na anong mangyari, kailangang madali

Madami mang beses na madapa, pagpagin ang alikabok

Lasang parang mapait, pilitin mo lang malunok

Dahil ang kinabukasan mo di pwedeng mabulok

Sige lang itulak mo ang kariton

Kung di abot ikaw ay tumalon

Pagkakataon na sitahin kahit nakalingon

Pawis na tumulo pag-inipon mo galon-galon

Sa buhay na mapagbiro di pwede dito ang pikon

Ang nauna sa tadhana pumikit lang ang pahinga

Isang ulo bawat letra, tandaan mo ang pahina

O pahina', kumain na kayo nakahain na

Ang pagmamahal na kailanma'y tinuro sa aking ina

Kahit na kung minsa'y nagkakalatay kay tatay

Ang kanyang mga payo sa akin ay siyang umakay

Di makinis ang daan anak kailangan mong masanay

Tandaan mo na hindi pwedeng madaliin ang palay

Tyagain mo lang,



[Chorus: Chito Miranda]



Kahit ano mang mangyari, aking aabutin

Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin

Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin

Kaya't wag kang haharang sa daraanan ng pison



[Gloc 9]



Di mo kailangang pakinggan ang sinasabi ng mga ayaw maniwala

Kahit medyo pawisan diretso lang parang kalan at paliyabin natin ang baga

Ng mga pinapangarap mo dapat tibayan dahil natural lang ang mabaha

Malubog sa putik, ganyan paa ka lang,

Sagad mo lang kahit na gano kadambuhala

At ang umalis, sandal nga hindi pa ko tapos

Itupi ang tuhod kung dahilan sa kumot ay kapos

Paa'y hindi sumasakit, talampakan na pinaltos

Patipato at panabla, sige! Ubos na kung ubos

Kahit madalas nakatawa, pare hindi ito landian

Sa dami ng kalaban, di maiwasan ang sanggian

Dikitan to palagi, kaya malamang na mabalian

Sa laro na bilang ko lang ang tunay kong kaibigan

Hindi katulad ng bitak-bitak na mga palad

Tipak-tipak na sugat sa tubig ay nakababad

Mamasa-masa kaya hirap pagalingin kaagad

Agad tumatayo tuloy-tuloy pa rin ang lakad

Walang kapaguran, ikaw ay magpabalik-balik

Daanan mo ng daanan hanggang sa'yong madagit

Kahit ika'y pagdudahan ng kaibigang matalik

Wag mawalan ng pag-asa pare [?] magic



[Chorus: Chito Miranda]



Kahit ano mang mangyari, aking aabutin

Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin

Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin

Kaya't wag kang haharang sa daraanan ng pison


Album Lyrics: MKNM: Mga Kwento Ng Makata [2012]


Gloc 9
"MKNM: Mga Kwento Ng Makata [2012]"


1. Balak Ni Syke
2. Apatnapungbara
3. Silup
4. Alalay Ng Hari Feat. Allan Mitchell Silonga
5. Sirena
6. Hindi Mo Nadinig Feat. Jay Durias
7. Sino (Interlude)
8. Salarin
9. Inday Feat. Cathy Go
10. Bakit Hindi
11. Malakas (Interlude)
12. Pison Feat. Chito Miranda
13. Thankful
14. Hari Ng Tondo
15. Kung Tama Siya