\"Lyrics
SEARCH HERE:
BROWSE 409412 LYRICS BY ARTIST/BAND NAME:
#A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z
SITE MENU
Last Updates
Request Lyrics
Submit / Correct
Popularity Charts
VISITORS
Login / Register
Your Thoughts
My Playlists
[ More Gloc 9 lyrics ]
add to playlist     see a mistake?    comment

Artist/Band: Gloc 9
Lyrics for Song: Bugtong
Lyrics for Album: Talumpati [2011]



Di yata dapat ginawa to'

Parang delikado

Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao

Hindi ko pipigilin

Hindi na sisilipin

Kahit na takpan aking bibig ay aking sasabihin

Sasabihin, sasabihin, sasabihin , sasabihin



Pwedeng tao, pwedeng hayop,

Sino kaya ang tinutukoy ko ?

Parang tao, parang hayop

Sino kaya ang tinutukoy ko ?



Malamang ang ibinoto mo'y kurako' tao

N'ang kanyang likod ang ginagawang harap

Tutungtong sa entablado at makikiharap

Dumudura ng mga kasinungalingang masarap pakinggan

na parang awitin na laging nasa tono

Pero ang kanyang ugali ay ubod nang sintunado

Tituladong abogadong milyonaryong mabaet

May isan dosenang anak sa patong-patong na kabet

Tingnan mo ang baet, parang di ka nahihiya

Napakarami ang gutom pero ika'y nakahiga

Nagpapasasa sa kayamanang kay bilis

mong nakuha sa pinagsama-sama naming buwis

Amoy panis, kay bangis, kapag ikaw ang kumagat

walang natitira, simot lahat,pati buto't balat

Nagkakalat ay isang garapal na mandaraya

Walang pinagkaiba sa nakaabang na buwaya

Sinasakmal ang lahat ng makita 'pag gutom

Panga'y laging nakabukas na parang bilasang tahong

Kaya parang alam ko na kung ano ang dahilan

at kasagutan dito sa laro ng hula-hulaan



Pwedeng tao, pwedeng hayop,

sino kaya ang tinutukoy ko ?

Parang tao, parang hayop

sino kaya ang tinutukoy ko ?



Di yata dapat ginawa to'

Parang delikado

Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao

Hindi ko pipigilin

Hindi na sisilipin

Kahit na takpan aking bibig ay aking sasabihin

Sasabihin, sasabihin, sasabihin , sasabihin



Na para bang hindi ka makahinga

Natatakot na baka biglang maamoy nila

Ang mabaho at bulok na sistemang nakabara

Sa malaki at matigas na tiyan mo'y kakasya pa ba?

Araw-araw kang busog pero di ka makadighay

Hinay-hinay lamang , baka ho inyong ikamatay

Magtiwala ka , anak, yan ang sabi ni Inay

pero bakit ang lahat ay sanay na sanay sa lagay

Ganyan dito sa pinas, ewan ko lang sa iba

Magkano ba ang amin jan, yan lang ang mahalaga

Teka tulungan nio ako, sinong malinaw ang mata

Ituro niyo kung sinong di milyunaryo sa kamara

Pagpasensiyahan niyo na kung medyo hindi bilib

Tinuruan lang ako na maging mapagmasid

Sa tagal ng panahon, mahirap maging manhid

Parang sugat na tuyo na tinalupan ng langib

at binuhusan ng mertiolet, sa laman nakadikit

Iwan ang pamilya sa ibang bansa ipagpalet

May pag-asa pa ba ang bayang nakataya



Pwedeng tao, pwedeng hayop,

sino kaya ang tinutukoy ko ?

Parang tao, parang hayop

sino kaya ang tinutukoy ko ?



Pwedeng tao, pwedeng hayop,

sino kaya ang tinutukoy ko ?

Parang tao, parang hayop

sino kaya ang tinutukoy ko ?



Di yata dapat ginawa to'

Parang delikado

Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao

Hindi ko pipigilin

Hindi na sisilipin

Kahit na takpan aking bibig ay aking sasabihin


Album Lyrics: Talumpati [2011]


Gloc 9
"Talumpati [2011]"


1. Buti Na Lang
2. Bugtong
3. Akin Lang Naman
4. Walang Natira
5. Baon
6. Atik Laham
7. Tissue
8. Salbahe
9. Reporter Part 2
10. Elmer
11. Gusto Ko (Feat. Wonder Twins Sean Daniel and Daniel Shaun)
12. Kislap
13. Talumpati