\"Lyrics
SEARCH HERE:
BROWSE 409412 LYRICS BY ARTIST/BAND NAME:
#A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z
SITE MENU
Last Updates
Request Lyrics
Submit / Correct
Popularity Charts
VISITORS
Login / Register
Your Thoughts
My Playlists
[ More Gary Granada lyrics ]
add to playlist     see a mistake?    comment

Artist/Band: Gary Granada
Lyrics for Song: Bahay
Lyrics for Album: Other Songs - Gary Granada



Isang araw ako'y nadalaw sa bahay tambakan

Labinglimang mag-anak ang duo'y nagsiksikan

Nagtitiis sa munting barung-barong na sira-sira

Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira



Sa init ng tabla't karton sila doo'y nakakulong

Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong

Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato

Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito

Ay bahay



Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata

Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta

Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman

At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam



Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko

At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo

Ang pinagpala sa mundo, ang dyaryo at ang pulpito

Lahat sila'y nagkasundo na ang tawag sa ganito

Ay bahay



Maghapo't magdamag silang kakayod, kakahig

Pagdaka'y tutukang nakaupo lang sa sahig

Sa papag na gutay-gutay, pipiliting hihimlay

Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga patay



Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw

Mahipo n'yo at marinig at maamoy at matanaw

Hindi ako nangungutya, kayo na rin ang magpasya

Sa palagay ninyo kaya, ito sa mata ng Maylikha

Ay bahay


Album Lyrics: Other Songs - Gary Granada


Gary Granada
"Other Songs - Gary Granada"


1. A Pair Of Voices
2. Address
3. Akala Ko
4. Ang Aking Kubo
5. Bahay
6. Balitaan Mo Ako
7. Balon
8. Consuelo
9. Dam
10. Dito Na
11. Dugay Na
12. Earthkeeper
13. Eroplanong Papel
14. Go-Ngo (Once Upon A Tune)
15. Gusto Ko Ng Gulay
16. Habangpanahon
17. Halik Sa Bisaya
18. Hanggang Kailan, Hanggang Saan
19. Holdap
20. Huling Hiling
21. Huwag Kang Malikot
22. Kababaihan
23. Kahit Konti
24. Kanluran
25. Kapag Sinabi Ko Sa Iyo
26. Kasama
27. Kausap
28. Kung Alam Mo Lang Violy
29. Kung Ayaw Mo Na Sa Akin
30. Lahat
31. Made For Japan
32. Marketplace
33. Minsa'y Isang Bansa
34. Nakikita Mo
35. Nasating Mga Kamay
36. Ngayong Gabi
37. O Kaysarap Mabuhay
38. Paalam
39. Paano Mahalin Ang Katulad Mo
40. Pag-Ibig Lang
41. Parang Kamukha
42. Pedrong Pako
43. Philippines 2000
44. Puhunan
45. Rehas
46. Salamat Musika
47. Saranggola Sa Ulan
48. Sayang Pag Sinayang Mo
49. Taho
50. Tao Pa Rin
51. Ultimo Adios