Tagaraw

After Image · Other Songs - After Image

Minsan ika'y nag-iisa, walang makasama

Di malaman saan tutungo

Naghahanap, nag- iisip kung saan babaling

Dito sa mundong mapaglaro



At tuwing ika'y nalulumbay, di maka kita

Nais mo na may makasama

Sa iyong lungkot akala mo ika'y nag- iisa

Narito ako't kapiling ka



Kung nais mong ika'y lumuha

Ako'y makikinig sa bawat salita



Chorus:



Kapag umuulan bumuhos ang langit sa 'yong mga mata

Kapag mayroon unos ay aagos ang luha

Ngunit 'di ka mag- iisa, kaibigan



Kay rami nang mga tanong sa iyong isipan

Nais mo lamang ay malaman

Bakit nagka ganoon and nangyari sa 'yong buhay

Tanong mo man sa akin, di ko alam



Handa akong maging tanggulan

Sa tuwing sasapit sa'yo ang tag-ulan



Kapag umuulan bumubuhos ang langit sa'yong maga mata

Kapag mayroon unos ay aagos ang luha ngunit di ka mag-iisa



Ako'y naririto, naghihintay lamang sa'yo

Tumawag ka't ako ay tatakbo sa piling mo, kaibigan!